Monday, August 19, 2019

Buwan ng Wikang Pambansa 2019

Filipino... Wikang Pambansa.... Wika ng Makabansa.

"Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino".  Ang tema ngayong taon ay nagsasabing ang pagbubuklod-buklod sa mga wikang katutubo ang susi para mapaunlad ang bansa. Sa 7,641 na pulo ay may 130 iba't ibang mga wikang katutubo. Kabilang na dito ang Iloko, Tagalog, Cebuano, Pangasinense, Pampanggo at marami pang iba.

Ang pagyakap at pagpapayabong sa mga wikang katutubo ay may malaking papel  sa pagkakaisa ng ating bansa. Tangkilikin ang mga ito. Tangkilikin ang sariling atin at huwag lang puro Ingles, Koreano, French, Espanyol at iba pa ang ating pinapahalagahan.

Sa pamamagitan ng mga wikang katutubo, napagbubuklod nito ang bansa,t tayong mga Pilipino sa isang bansang Filipino.
source:https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhgg8sA0ZELG2dHnOB2T11FJ9SWbxrcFQb9JoThf4DUil4Vzdp5Z3_GBGLvyfp36cDu3WnBk6RpmF7ua5427ZWfvcMWCnLptvxFpDiqVIXD54yNOv4iyYZC9-87nNMNKwvXhN2jutRC3C8/s1600/bigstock-Group-of-People-Waving-Filipin-73112371-1.jpg

No comments:

Post a Comment